|
Hindi mo kase inaasahan na masasaktan ka kaya ka ganyan. Akala mo kaya mo na ang lahat. Di lang sa iyo umiikot ang mundo. Hindi lahat ay maghihintay sa iyo. Hindi lahat maiintindihan ang nararamdaman mo. May mga taong darating. Mayroon aalis. Mayroon kailangang umalis. At mayroon ka ding pinapaalis kahit hindi mo sinasadya. Wala kang dapat pagsisihan. Ginawa mo lang ang nararapat at ang sa tingin mong mas patas sa iba. Ayaw mo din makasakit ng tuluyan. Lalo na ngayon. Magulo ka. At habang magulo ka pa, di ka dapat mandamay ng iba. Kayanin mo muna yan mag-isa. Hayaan mo munang tuluyang maghilom ang mga sarili mong sugat. Binibigyan ka niya ng pagkakataon. At kahit na nalulungkot ka, isipin mo na lang na kailangan iyong gawin---dahil hindi lang ikaw ang mundo. At may mga mundong patuloy na iikot kahit wala ka doon. Masanay ka na. |
| gelai November 12, 2005 11:19 PM PST pau, feeling ko tuloy si EPONINE ako! hehehe,, | ||
| pauer November 12, 2005 01:20 AM PST Tama ka, hindi titigil ang ikot ng mundo kapag ang sarili mong mundo ang tumigil. Parang yung kantang On My Own yan sa Les Miserables... I love him, but when the night is over, he is gone, the river's just a river. Without me, his world will go on turning, a world that's full of happiness that I have never known. I love him. I love him. I love him, but only on my own. | ||
| Leave a Comment: |