|
Nagsimula ang review noong September 19. Mula noon, pumapasok na ako sa College of Holy Spirit Manila (CHSM) araw para umupo mula alas-otso ng umaga (mali. late pala ako lagi...alas nuebe y medya pala.hehe!) hanggang alas-singko ng hapon. Naiintindihan ko na kung bakit nagkakapressure sores ang mga immobilized patients dahil muntik na itong mangyari sa akin. Masakit sa puwit umupo! Inaamin ko. At alam ng mga kasama ko sa review iyan, ako ang pinakatamad sa amin. Dahil na din siguro wala pa naman akong date ng exam. Late ako lagi pumapasok, madaming absent at natutulog sa klase. Feeling ko bumabalik ako sa pagkabata dahil napaka-SHORT ATTENTION SPAN ko! At walang araw ang lumipas ng hindi ako natutulog. Haaaaayyy... Noong una, medyo malungkot ako dahil wala man lang akong super ka-close na kasabay magre2view...Hindi ko kabarkada ang mga nakasama ko at hindi ko sila naging mga kagrupo kaya hindi kme as in close. Pero natutuwa ako dahil nakasama ko na at mas nakilala ko na sila ngayon. Sina Kat, Diane, Nerizza, Shanta, Jihan, Pau, Mitz, Krine at Annie. Mamimiss ko sila. Marami akong natutunan at nagawa sa review na iyon.
Dahil sa huling araw na namin kanina, ngkaroon kame ng pagdiriwang. Nagdala si pau ng pasta (tuna in red sauce), ako ng buko salad, jihan ng gelatin from glodilocks and stuffed crust pizza supreme na pinaghati-hatian ng iba pa sa amin. Ang sarraaaapppp! Haaaayyyyyy..... Pentagon Days are over... sa muli nating pagkikita... Paalam... =====*.*=====*.*=====*.*=====*.*=====*.*===== I will be studying on my own for the next few months as I wait for the Authorization to Test from the California Board of Registered Nursing. I do hope that I will have the spirit of discipline to study well... |
| pauer October 30, 2005 10:35 AM PST I agree with the 10th... kung inaantok ka, matulog ka! hahaha. last day na nga hahabol ka pa ng tulog...tsk tsk..natalo mo ata ako sa most number of sleeping HOURS ah. :) miss yah nah! | ||
| Leave a Comment: |