Monday, November 28, 2005
Sabi ni ate jane, gawin ko na daw comedy ang blog ko...hehe,, Masyado na ba akong madrama.?! Anyway, I had wonderful weekend! We went again sa bukid sa Lian, Batangas. Ang saya!
Nov. 26, Saturday
Umalis kme ng Las Pinas mga 7:00am. Ako siyempre, tatay, nanay, diego, tricia, simon, Tito Nol, and Ate Vicky. We were with Tita Juaning, tatay and nanay's friend sa parish. Syempre, pagdating around 10am, kain agad...sa dahon ng saging. ;-) Ang sarap kumain lalo na't nakakamay! After washing the dishes, diretso na ako sa aming maliit na kubo...at doon...NATULOG! Haha, after waking up, merienda time ulit. Around 5:00pm, nagtanim kme ng halaman. The ones we bought almost a month ago. Tinanim namin sa harapan ng kubo. Naalala ko si Che (a close friend from UP) nung nagtanim kme sa bahay ng foster family namin sa Nagcarlan Laguna during our 2-month Community Immersion. Siyempre, dahil sa kanya, marunong na ako. Kung matigas ang lupa, maaring basahin ng kaunti upang lumambot. Mas mainam hukayin ang lupa at pagkatapos durugin ito bago itabon sa mga ugat ng halaman. Ang saya! After being messed up, naligo na kami dahil hinabol namin ang 7:30pm mass sa bayan ng Lian. Tito Al and family (also a family friend from the parish) arrived and we headed to St. John the Baptist Parish Church. Sam and Ras were already there inside the Church. (They both have saturday classes kaya sumunod na lang sila.) It's nice to hear mass with the family! Most espicially, it's the first week of advent! After mass, we had a delicious dinner, again, in a banana leaf. And at the end of the night....as usual.... VIDEOKE!!!!
Nov. 27, Sunday
After breakfast, we prepared ourselves for Matabungkay Beach. Kaming anim na magkakapatid, kasama ang buong family ni Tito Al, Tita Juaning and Damboy. We were all excited! Nung nasa dagat na kme, I was suprised to see how clean it was. Di kse ako sanay na malinis ang dagat. Usually, ito ay malumot, madaming seaweeds, hindi malinaw ang tubig at madumi din ang buhangin. Never akong nag-enjoy maligo sa matabungkay dahil nga nadudumihan ako. NGAYON na lamang after sooo many years, I never felt kadiri while swimming! Enjoy pa ang pedal boat.. We rented it for 150 per hour and I think it's worth it. I mean, the fun of being able to go further sa dagat nang sama-sama! 6 persons per pedal boat. Kakangalay nga lang magpedal tska lumakas yung hangin kaya we were stucked in the middle for a while. Sa bukid na kme nagbanlaw at naligo. Syempre, we ate lunch ng madami at medyo masakit na din ang katawan namin kaya natulog na naman sa tanghali. hehehe,, After the siesta, merienda, kwentuhan, kulitan. :) Nagtuhog na kme ng barbeque and then nagihaw-ihaw na! Sarap ulit ng dinner!
Nagpahinga lang ng konti after dinner tapos naglaro na ang mga bata ng taguan at trapped inside te circle. Maya-maya, nagyaya na sila mag patintero at dahil sa kulang sila, pinilit nila akong sumali. haaayyy, ang tagal kong di na ulit naglaro. Feeling ko ang bagal ko na tumakbo. Pero ang saya at ang sarap pa din talaga!!! Nakakapawis pero enjoy!
Maya-maya, mga past 10pm dumating na ang Manuyo Core. Sina ate jane, kuya jeff and kuya Pepu. Nagdinner lang sila at naghugas lang ako ng plato at naglinis, pagkatapos, nagstart na kme ng PLANNING for Manuyo Youth Group. After a long time, ngayon lang ako lit nagkaron ng formal planning. We ended the intro and the presentation of needs of MYG at almost 3:00 am bago kme naghiwa-hiwalay para magpahinga.
Nov. 28, Monday
We woke up past 8 am. Nagtanim sila ulit pero di na ako sumali. Naligo na ako agad at after breakfast, mga 10am, nagumpisa na ulit kme ng planning. Daming plans sa group. I wont go into details na dito. Pero ang ganda ng aming mga napagplanuhan... Nauna umuwi sina tito Al tpos sina Nanay naman ng mga 12:00. Naiwan ako para ituloy ang planning namin. Natapos kme ng mga 4:30pm. Isang napakagandang pagkakataon para sa core ng manuyo. sayng nga lang at di namin natuloy ni Kuya Jeff ang plano dahil wala si Fort at Shiela. Haayy, we left Lian at around 5:30 pm dhil matagal yung bus dumating. We arrived home at 8:20 pm.
At long last, nakauwi na din. Sakit ng katawan ko sa pagod sa mga activities during the weekend. Pero sobraaaaanngggg saya ko! Feeling ko nasulit ang bakasyon namin. Unlike before na nade2press lang ako sa bukid at laging nakasub-sob sa baon kong libro. O ayan...masaya na ang kwento ko ha! Mahaba nga lang. hehehe, Salamat!
Angela got acquainted with the little prince on 10:39 pm
 |  |  |
Astrid November 30, 2005 02:37 PM PST
Im happy that you enjoyed your short vacation.Ummm..gusto mo ba magtanim?pumunta ka dito sa bhay namin at mgatanim ka sa backyard namin. Wala kasi matiyaga magtanim dito eh...see you soon..:) |
 |