Friday, October 28, 2005
Haaaayy...ito na ang huling araw ng review sa Pentagon para sa NCLEX exam...
Nagsimula ang review noong September 19. Mula noon, pumapasok na ako sa College of Holy Spirit Manila (CHSM) araw para umupo mula alas-otso ng umaga (mali. late pala ako lagi...alas nuebe y medya pala.hehe!) hanggang alas-singko ng hapon. Naiintindihan ko na kung bakit nagkakapressure sores ang mga immobilized patients dahil muntik na itong mangyari sa akin. Masakit sa puwit umupo!
Inaamin ko. At alam ng mga kasama ko sa review iyan, ako ang pinakatamad sa amin. Dahil na din siguro wala pa naman akong date ng exam. Late ako lagi pumapasok, madaming absent at natutulog sa klase. Feeling ko bumabalik ako sa pagkabata dahil napaka-SHORT ATTENTION SPAN ko! At walang araw ang lumipas ng hindi ako natutulog. Haaaaayyy...
Noong una, medyo malungkot ako dahil wala man lang akong super ka-close na kasabay magre2view...Hindi ko kabarkada ang mga nakasama ko at hindi ko sila naging mga kagrupo kaya hindi kme as in close. Pero natutuwa ako dahil nakasama ko na at mas nakilala ko na sila ngayon. Sina Kat, Diane, Nerizza, Shanta, Jihan, Pau, Mitz, Krine at Annie. Mamimiss ko sila.
Marami akong natutunan at nagawa sa review na iyon.
- Una, na mayroong 3 for P100 pirated dvds sa quiapo (arlegui), araw2 ko itong dinadaanan.
- Ikalawa, natuto akong maglakad ng buong mendiola dahil madalas sarado ito dahil sa mga rally.
- Ikatlo, masarap pala ang Corn Bits Blue, Blu Skies Milk, Oatmeal cookie sa CHSM at Pretzy (mga favorite naming pagkain!)
- Ika-apat, natuto akong magLRT mula Doroteo Jose kasabay si Jihan. Nasanay akong mag-dyip mula baclaran dahil ito din ang pinakatipid na ruta pauwi.
- Ika-lima, masarap ang hopia sa Baker's Fair, malapit sa Dotoeo Jose station. (Thanks Jihan!)
- Ika-anim, maraming devotee si St. Jude lalo na kpag Thursday! At si Diane ang kasama ko lagi doon. :)
- Ika-pito, ang Sta.Cruz na dyip ay hindi dumadaan ng Quiapo. (psensya na!)
- Ikawalo, bawal ang mga daring na damit sa CHSM. hehe,,
- Ikasiyam, nakapagbasa ako ng Eleven Minutes ny Paulo Coelho. Thanks Nerizza!
- Ikasampu, kapag inaantok ka, matulog ka!
Dahil sa huling araw na namin kanina, ngkaroon kame ng pagdiriwang. Nagdala si pau ng pasta (tuna in red sauce), ako ng buko salad, jihan ng gelatin from glodilocks and stuffed crust pizza supreme na pinaghati-hatian ng iba pa sa amin. Ang sarraaaapppp!
Nagpicture-picture na din kame kanina! Mami2ss ko ang aking mga 'pentagon-mates' a.k.a. mga new found friends ko ngayon. :) Mami2ss ko din si Sir Andamo, Sir Mike at Sir Jerome. Astig talga kayo!
Haaaayyyyyy..... Pentagon Days are over... sa muli nating pagkikita... Paalam...
=====*.*=====*.*=====*.*=====*.*=====*.*=====
I will be studying on my own for the next few months as I wait for the Authorization to Test from the California Board of Registered Nursing. I do hope that I will have the spirit of discipline to study well...
Angela got acquainted with the little prince on 12:14 am
 |  |  |
pauer October 30, 2005 10:35 AM PST
I agree with the 10th...
kung inaantok ka, matulog ka!
hahaha. last day na nga hahabol ka pa ng tulog...tsk tsk..natalo mo ata ako sa most number of sleeping HOURS ah. :)
miss yah nah! |
 |